Chapter 41
Chapter 41
Anikka
"Napapadalas na yata yung pagcontact lens mo ha" Bungad sa akin ni Nicole, oo nasanay na rin ako
na mag-suot nito, lalo na noong nasa resort kami ni Lukas.
kumbaga naging habit ko na, isusuot ko ito sa umaga at aalisin sa gabi.
Wearing contact lens it not that bad. Sa una lang talaga maskit.
"Blooming ka lagi."
"Porque naging kayo na ni Lukas, gumaganyan ka na girl hahaha." Nakitawa na lang ako sa kanila.
Yes, they are right marami na nga ang nagbago sa akin. Napapansin ko na nga rin na nag-aayos na
ako, ewan ko ba pero masyado na akomg nako-concious sa sarili ko. Gusto ko kasi maganda ako sa
paningin niya. Ganoon naman diba, kapag gusto natin ang isang tao sadyang nagpapaganda tayo sa
kanila para mapansin.
Tss. Nagiging abnormal na talaga ako. Kahit na normal lang ang kiligin maconsious, butterflies in the
stomach na iyan ay abnormal pa rin sa akin. Because this is not the normal me, binago iyon ni Lukas.
Love conquers all nga, pati tao ay kayang baguhin.
Nakipagtawanan lang ako kila Nicole sa mga knock knock jokes nila. Hindi na kami bata para gawin
iyon pero napagtripan nila.
Napatingin ako sa cellphone ko, tumatawag si Lukas.
"Labas tayo mamaya?"
"Ok, sige wait kita ha."
"I love you." Aniya, sasagutin ko ba? Kaso nahihiya ako dahil nandito sila Nicole, tapos parang naririnig
nila yung usapan namin. Mga tsismosa talaga! Si Yen naman ay nakatingin sa akin, para bang dapat
ay sagutin ko din siya, pero nahihiya ako. I'm not that expressive pag may kaharap akong ibang tao.
Inaabangan nila ang pagbuka ng bibig ko.
Huminga ako ng malalim..
"I love you too."
"Yown!" sabay sabay na sabi ng dalawang bruha.
Tila ba nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Ang sarap pala sa pakiramdam na nasasabi mo rin sa
isang tao na mahal mo siya, sa harap nila. Sa una nakakahiya pero masaya rin palang ipakita sa iba Copyright by Nôv/elDrama.Org.
na ang pagmamahal mo.
Agad ko ng pinatay yung phone dahil baka marinig pa ni Lukas kung paano kiligin ang mga lukaret na
ito. Nakakahiya! Siguradong magpapalakpakan ang tainga nun kapag nalaman niya na kinikilig itong
mga ito.
Lalabas na naman kami ni Lukas. Napapadalas na nga eh, di naman ako makatanggi, dahil gusto niya
happy ako lagi.
Lagi kaming namamasyal sa mga amusement park at pilit sinasakay sa roller coaster, magpipicnic
kami sa bundok at siyempre hindi makakalimutan ang kalinderya ni Manong, as usual ang dami niyang
nakakain. Paborito na yata niya ang barbeque, dugo lalo na yung isaw. Pinipigilan ko na nga siya
minsan pero ayaw magpapigil. Paano pag tumaba siya, mawawala ang macho niyang katawan, ang
abs!
Putya Anikka, lumalandi na naman ang utak mo. Masyado mo nang pinagnanasaan ang abs ni Lukas.
Maawa ka naman!
Psh!
Pagbalik sa ulirat ko ay napagtanto ko na tinitignan ako nila Nicole, yung tingin na nakakaloko. May
mali ba sa akin, may tulo ba ang laway ko? Maya maya ay ngumuso si Nicole sa likuran ko
Tama ang hinala ko naroon n si Lukas na ngising-ngisi. Uhhh goosebumps!
Akala ko ba mamaya pa? bakit nandito na siya kaagad.
Maya-maya ay basta na lang ako hinila palabas, di man lang ako pinaalam? Ayos ah! Ayos!
Ganito siya lagi tuwing lalabas kami, hila agad, walang sabi sabi, kahit kagigising ko pa lang ay
manghihila na para lumabas kami. Ganoon siya katindi. Ewan ko ba pero parang may saltik na yata
ang hinayupak na to.
Ito nga, rinig na rinig ko na kilig na kilig itong mga kaibigan ko, hinayaan ba naman ako sa kanya?
Alam naman nila na moment namin ito, tapos may biglang sisingit?
Pero kasi gusto mo rin naman kay Lukas, sadyang supportive lang ang mga kaibigan niyo sa love team
niyo.
Umiling-iling lang ako. Wala rin naman akong magagawa. Tama nga si Konsensya magugustuhan ko
ang mga mangyayari.
Someone's POV
I was standing before my glass wall, sipping a glass of wine having a view of skycrapers out there.
Some of it ay siya ang nagdesign doon.
I sigh..
I always wanted here, kung saan nakikita ko yung mga buildings na ginawa niya. I like reminiscing the
moments that we have, at nagagawa ko iyon sa pagtingin sa mga buildings na iyon.
Kahit masakit ay pilit ko pa rin ginagawa, because he marks at my system and I love this man very
much, ayoko siyang kalimutan, his my first of everything, first crush, first boyfriend, first kiss, first hug,
first dance, first date, lahat!
Naniniwala pa rin ako na babalik siya sa akin, tulad ng dati.
Yung masayang alaala ng pag-iibigan namin na nawala sa isang iglap, because of my fucking dream.
Pangarap ko, naiinis ako? Sounds weird but to me not. Dahil sa pag-nanais ko na maging fashion
designer ay nawala siya sa akin. I chose my dream over him, at nawala siya ng tuluyan sa akin.
And now? Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa katangahan na ginawa ko, I deserve to be
miserable, kahit naabot ko ang pangarap ko ay wala pa rin siya sa tabi ko.
Walang kwenta ang lahat ng iyon kung wala siya, dahil siya ang buhay ko.
Iam lifeless right now dahil wala siya, hindi ako magiging masaya, walang dahilan para mabuhay.
"Ma'am ito na yung pinapaimbestigahan niyo." Walang emosyon akong humarap sa taong nasa likuran
ko, though nahanap niya ang pinapahanap ko, there is no reason na mag-saya.
As I open the envelope, agad ko ng nilukot ang litrato, hindi ko makakayang tignan.
Tama nga ang hinala ko.
A picture of my love of my life na may kasamang iba.
Masaya siya
Masaya sa piling ng iba..
Napahawak ako sa dibdib ko at kumawala ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit. Ang sakit
sakit. Ang sugat ng nakaraan na hindi pa naghihilom ay tila nanariwa ito, ang hapdi ang sakit. Parang
tinatarak ang puso ko ng paulit paulit hanggang sa madurog.
Yes I'm really broken, and it breaks me more.
Agad kong pinunasan ang luha ko.
You should be strong girl, be strong
I need to come back, I should be there. This cant be, di sila pwede! Kailangan ko siyang mabawi bago
mahuli ang lahat, no one can own him, ako lang ang para sa kanya. Wala akong pakialam kahit
mismong bestfriend ko pa ang makalaban ko.
He should be back to me, dahil ako ang nauna at may tunay na nagmamay-ari sa kanya
Sa oras ng pagbalik ko, I make sure na mapapasaakin ka muli, Lukas Angelo Aragon