Respectfully Yours

Chapter 40



Chapter 40

Anikka

Nagising na lang ako na may maramdamang mabigat na nakapatong sa akin. Nagdilat ako ng mga

mata I was him, peacefully sleeping.

Napatingin ako sa kanya mula sa nakapikit niyang mata hanggang sa mapupula niya labi.

Rumehistro agad sa isipan ko ang mga nangyari.

Sana ay hindi pa siya magising dahil nakakahiya itong ginagawa ko.

Napapikit ako at inaalala ang nga nangyari kagabi.

"Not until we're married baby."

Bumusangot ako sa kanya, nakakainis siya! I really want him now. Pero anong ginawa niya? Binitin

niya ako.

I want him to continue, baka hindi ko na kayanin kapag hininto niya ito. Akmang hahalikan ko siya ng

ipatong niya ang hintuturo niya sa bibig ko, tanda ng pagpigil niya sa akin.

"I won't take advantage of you baby."

Napangiti ako, wala man nangyari pero that night was really special, I should say best night ever. He

just hugged me all night and he always saying how much he loves me.

He really loves me, wala ng akong duda doon. Patunay na doon na ginagalang niya ako bilang babae,

he didn't took advantage of me, kahit alam kong gusto niya kagabi ay pinigilan niya ang sarili niya,

kahit alam niya sa sarili niya na sasakit ang puson niya.

Higit sa lahat nagbago na siya, hindi na siya tulad ng dati, manyak, hindi marunong rumespeto sa tulad

ko, napaka-ungentleman. Now he became my ideal man, ang marunong rumespeto.

Siya lang ang nagparamdam sa akin nito, I am loved by a man, ang sarap pala ng ganoon. Yung

kikiligin ka dahil sa kanya.

I give him a smack kiss.

I really love this man! Napakaswerte ko sa kanya. Thanks to that contract, thanks to the two lolo's.

Kung hindi dahil sa kanila, walang Lukas sa buhay ko ngayon ang lalaking mamahalin ko.

Nagulat ako ng bigla siyang nagmulat ng mga mata, bitbit ang malademonyong ngisi. Anong ibig

sabihin nun? Alam niya ang ginawa ko? Eee nakakahiya!

"Sabi ko na nga eh, pinagnanasaan mo ko." Aniya

Nagsiakyatan ang mga dugo ko sa mukha. Grabe nakakahiya! Alam nga niya! Siguro nagtutulog-

tulugan ang hinayupak na ito.Mukha tuloy akong patay na patay sa kanya.

Well, hindi ba totoo Anikka?

"You can kiss me even I am awake, hindi mo na kailangan gawin iyon habang natutulog ako."

Mas lalong nag-init ang aking mga pisngi, Nakakahiya talaga. Gusto kong magpalamon sa lupa para

mawala sa harapan niya. Gusto kong magtatatakbo palayo sa kanya, pero paano ko iyon magagawa

kung mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin, tila ayaw akong pakawalan.

"Lukas, gagawa lang ako ng breakfast." Sabi ko para makatakas sa kanya.

"We'll have our breakfast here." Aniya sabay idinukdok niya ang mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam

ako ng kuryente sa sistema ko ng hinahalikan niya ito.

No! Huwag niyang sabihin na matutuloy ang naudlot kagabi.

Akala ko ba he won't take advantage of me? Pero ano itong ginagawa niya. Manyak mode na naman

siya.

"We'll have our breakfast in bed honey. I am the one who will make that." Aniya sabay bangon sa

higaan, lihim akong nagpasalamat sa kataas-taasan at nakahinga ng maluwag dahil walang nangyari.

Nagulat ako nang bigla siyang napahagalpak ng tawa. Anong tinatawa tawa niya diyan? May mali ba

sa akin?

Napadako ako ng tingin sa salamin na katapat ko.

Oh my! I was red. Very red. Para akong kamatis sa pamumula. Kung mas nakakahiya yung kanina

mas nakakahiya ngayon. I was so red, masyado ng nahalata na malaki ang epekto niya sa akin.

Magtatalukbong sana ako kaso pinigilan niya ako.

"I love to see you blushing because of me baby." Aniya sabay halik sa noo ko, hindi na ako nakatutol.

Tsk! Gusto mo rin naman iyan.

"I love you baby ko." Sabay halik niya sa akin. Eww, may baby ko pa siyang nalalaman, ang corny.

Hindi ba pwedeng baby na lang.

Maya maya ay bigla na siyang nawala sa harapan ko.

Bumangon na ako sa pagkakahiga. Gusto ko siyang sundan sa kitchen. Pagbaba ko ay may narinig

akong boses.

"If I could, then I would

I'll go wherever you will go

Way up high or down low

I'll go wherever you will go."

And maybe, I'll find out

The way to make it back someday

To watch you, to guide you

Through the darkest of your days."

May talent din pala ang hinayupak na ito. Hindi ko inakala na pati boses niya ay gwapo pa rin, lalaking

lalaki ang dating.

Applicable din ba sa lalaki kapag kumakanta habang nagluluto ay gusto ng mag-asawa.

"Pwede ng mag-asawa ah." Agad akong napatakip ako ng bibig, hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig

ko ang iniisip ko. Lumingon sa akin si Lukas, paniguradong narinig niya ako. Sapat na yung lakas ng

pagkakabigkas ko para marinig niya. Nakakahiya na grabe, kaaga-aga pa lang punong puno na ng

kahihiyan ang araw ko. Gusto kong tumakbo palayo at magtago, pero tila natengga na ako sa

kinatatayuan ko at ayaw ng umalis.

" Yeah, and you are going to my wife." Hinaplos niya yung mukha ko at mas lumalim ang titig niya sa

akin. Tila lumiit ang paligid namin at nanlambot at mga tuhod ko.

Pinipilit niya akong subuan. Ginagawa na naman niya akong baby.

"Lukas naman. Huwag mo na akong ibaby."

"But you're my baby."

Wala na akong magawa kundi magpasubo na lang, hindi naman ako mananalo sa kanya and besides

gusto ko rin naman na inaalagaan niya ako. Higit sa lahat kinikilig na naman ako, simpleng salita man

iyon galing sa kanya ay nagwawala na ang sistema ko.

*Ringg!*

Hindi iyon pinansin ni Lukas, nakailang ring na ang cellphone niya pero hindi pa rin niya iyon

pinapansin at nagpatuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain sa akin.

"Lukas, sagutin mo na."

"Nah! It's not important ikaw lang ang importante sa akin." Nakangiti niyang sabi. Natutuwa naman ako

doon sa tinuran, dahil binibigyan niya ng importansya ang prisensya ko, but he need to answer that call

kahit hindi ganoon kaimportante, bilang paggalang na rin sa tumatawag.

"Lukas sagutin mo na, saglit lang naman eh, kaysa naman ring ng ring ang phone mo. Madidistract ka

rin." Sabi ko habang siya ay natahimik at lumingon sa ibang direksyon.

"Ok if that's my baby says." Sabay abot niya ng phone at lumabas sa kitchen.

Maya-maya ay umupo na uli siya sa tabi ko, mukhang badtrip na naman siya dahil sa kunot niyang

noo. Ganito rin siya noong tinawag siya nung Lolo niya para makipagdeal sa Singapore. Huwag nilang

sabihin na, kailangan na naman si Lukas sa opisina nila.

"We need to go to the office may kakausapin lang kaming mga inventors. Tapusin na lang natin ito then

we'll go." Ngumiti na lang ako sa kanya bilang pag-unawa. Patuloy niya pa rin akong sinusubuan, sabi

ko ay pakainin lang niya sarili niya pero mas gusto niya na inuuna niya ako. I'm his queen daw at dapat

ako ang unahin niya. Siyempre kinilig ang iyong lingkod.

Medyo naiinis ako. Hindi ba nila kayang kausapin ang mga investors na iyan at kailangan pa nila sa

Lukas. Ngayon ko na nga lang siya makakasama ng maayos, yung alam kong mahal ko siya. Pero

anong nagagawa ko, duty calls.

Saka ano palang sabi niya kanina? We? Talaga ba? Isasama niya ako? Labis akong nagagalak dahil This content belongs to Nô/velDra/ma.Org .

doon, makikita ko na rin siyang magtrabaho sa kumapanya. Though apo ako ng isa sa may ari ay

madalang lang ako makapunta at hindi ako masyadong familiar sa mga kung ano anong bagay na

ginagawa nila. Basta ang alam ko ok ang kumpanya namin.

Natapos na kaming kumain, gumayak na rin ako. Wala naman akong maisuot dito kaya nag- blouse

ako at long skirt total ay hindi pa masyadong marumi iyon. Inayos ko rin ng kaunti ang sarili ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa banyo at natanaw ko siya agad.

He's having trouble of knotting his tie Lihim ko siyang pinagmasdan pero hindi pa rin niya maikabit

yung tie niya. Kunot na kunot na yung noo niya, tanda ng kanyang pagkaka-irita.

Naisipan kong lapitan siya. Naawa na akong, kailangan ko na siyang tulungan. Kahit na medyo may

ilangan kanina, dapat ko rin siyang tulungan.

Matawa-tawa pa rin ako sa kanya. Hindi ko mapigilan. Hindi naman dahil sa hindi niya maikabit yung

tie niya ng maayos, kundi dahil sa itsura niya. Kunot na kunot ang ulo niya isama mo pa ang

malalaking butas ng ilong niya. Mukha siyang bata na hindi magawa ang gusto.

Nilapitan ko siya at kukunin ang necktie niya, pero hinawi niya yung kamay ko.

"Let me." Ma-awtoridad kong sabi. Kusa rin niyang ibinigay yung necktie sa akin. Good dog! Este Good

boy.

Itiniuon ko ang aking mga mata sa pagtatali ng knot ng necktie niya. I know how to do this dahil ako

ang naglalagay ng necktie sa kanya minsan.

"Alam ko kayang kaya mong kumbinsihin ang mga investors na iyon. Nagawa mo na yun sa singapore

diba? Gamitan mo lang ng charms mo." Nakangiti kong sabi sa kanya, sabay tapos ko na sa

pagkakabit ng necktie niya. I should encourage him right. Kahit umaapaw na ang confidence na meron

siya.

Iaalis ko pa lang ang kamay ko sa necktie niya ng bigla niya itong hawakan at halikan ito.

"How wifely." Aniya at tinitigan ako sa mata. Ang mga titig na kinakatakutan ko noon ay kinakikiligan ko

na. Grabe talaga ang laki-laki na ng epekto niya sa akin. Grabe wifely, ibig sabihin gusto niya talaga

ako makasama habang buhay. Good thing I followed my instincts.

Hinawakan niya yung kamay ko na para bang hindi niya pakakawalan iyon.

"Baby one thing." Sabay taas niya sa chin ko.

"I only use my charms to the woman I love. Only to you Anikka."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.