THE LAST WOLF PRINCESS

KABANATA 28



"Huwag! Huwag mo siyang saktan!" sigaw ni Polina. Mabilis na lumapit si Polina sa kanyang anak na noo'y nakahiga sa sahig. Patulak niyang hinawi ang lalaking werewolf, at natulala na lamang ito sa kanya. Nawala ang talim ng mga kuko nito, at tila sumukong tumalikod sa kanila, matapos nitong makitang niyayakap niya si Haylle at hinagkan sa noo.

Ang laki ng takot niya na mapatay nito ang kanyang anak, marahan nang lumakad ang lalaking inaakala nilang halimaw, tila sumuko na ito at binabalak na lang na umalis, iika-ika pa ito at halatang nanghihina.

Tumayo si Polina, at inalalyan rin si Haylle, "Ma, huwag mo na siyang kausapin," sambit ni Haylle.

"Aalis ka na lang ba?" sigaw niya sa lalaking kanina lang ay halos makaptay na dahil sa galit at pagseselos.

"Hindi mo ba ako naririnig! Aalis ka na lang ba!" sigaw muli ni Polina sa lalaki. Sa lalaking nakikilala ng kanyang puso. Hindi man nakilala ng mga mata niya, pero nakilala ng kanyang puso, nakilala ng bawat pintig ng puso niya. Umaagos ang luha niya, habang nakatingin sa lalaking nakatalikod, pa rin at marahang humahakbang, doon niya na-realize na maaring hindi naririnig ng lalaki ang bawat niyang salita. Kung kaya't mabilis siyang tumakbo at niyakap ang lalaki, mula sa likuran nito.

Doon niya mas narinig ang tibok ng puso nito, doon niya narinig na ang lalaking iyon nga ang tunay na lalaking minamahal niya. Dahil sa panghihina ni Hyulle, hindi niya narinig ang mga sinasabi ng puso at isipan nito. "Mama, lumayo ka sa kanya! Baka mapatay ka niya!" sigaw pa ni Haylle.

"Hyulle! Hyulle! Ikaw iyan, ikaw na nga iyan!" umiiyak niyang sambit. "Hindi kita pinagtaksilan! Hindi kahit na kilan, ang lalaking iyan! Anak mo siya!" mahinahong sambit ni Polina, habang hawak ng kanyang mga kamay ang mukha ni Hyulle. Hindi ito makapagsalita, ngunit tumulo ang mga luha nito sa mga mata, at pilit na ngumiti sa kanya. At dooy tulayan itong nawalan ng malay, sa kanyang kandungan. At lumuluhang nasapo ni Polina si Hyulle, at patuloy na ngang umgos ang kanyang mga luha.

Hindi naman makapaniwala si Haylle na iyon si Hyulle, ang ama. Ito na mismo ang bumuhat sa ama niya at dinala sa mahiwagang silid, ang silid nito noon pa man.All rights © NôvelDrama.Org.

"Polina! Toto bang nagbalik na ang kamahalan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Althea. Kasama nito sina Shiera at Fillberth na dumating. Nasa labas sila ng mahiwagang silid ni Hyulle. Si Haylle ang nagngalaga at nagbigay ng dagdag na kalakasan kay Hyulle upang kahit papaano ay maibalik ang lakas nito.

"Sa sobrang panghihina ni Hyulle, hindi na siya nakakarinig, kahit na ang mga inisiip natin, hindi na rin niya nababasa, napagkamalan niyang ibang lalaki si Haylle, akala niya ipinagpalit ko na siya, at nagpangbuno sila, kamuntik na niyang mapatay ang anak niya." malakas na humagulgol si Polina. Magkahalong awa, lungkot at pagsisisi ang nararamdaman niya para sa kanyang asawa. Dahil alam niyang nagkaganoon si Hyulle, nang dahil sa pagmamahal sa kanya. Mas ninais ni Hyulle, na harapin at danasin ang ganoong klaseng pagdurusa, kaysa siya pa ang mapahamak, buong tapang na hinarap ni Hyulle ang kaparuasahang naghihintay sa kanya, maibigay lamang ang lakas at kapangyarihan niya. "Polina, huwag ka nang umiyak, mamaya, maari mo nang sipingan si Hyulle, ibalik mo ang lakas niya," sambit naman ni Shiera.

"Hindi maari iyon, hanggat hindi nag-aasul ang buwan," sabat naman ni Althea.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Kailangan pa ba iyon? Bakit tayong mga werewolf anumang oras na naisin natin, magagawa naman natin ang magsalin ng lakas?" sabat naman na tanong ni Fillberth.

"Mga walang alam, hindi ordinaryong Werewolf ang dalawa, maari na naman silang maparusahan, kapag ginawa nila iyon," paliwanag pang muli ni Althea.

"Kaya, dugo ko na lang ang ibibigay ko, muli kong isasalin ang dugo ko," sambit ni Polina.

"Dugo ni Haylle, ipaubaya mo kay Haylle iyan, walang bawal na batas para sa parehong lalaking werewolf, at isa pa, mag-ama naman sila, kaya huwag ka nang mag-alala," paliwanag pang muli ni Althea. "Ang daming alam ni tandang Althea, alalay ka nga pala ni tandang Hyulle." sambit pang muli ni Fillberth, sabay tawa.

Sila naman ay nakatingin lang sa lalaki, at tinataasan ang kilay nito, nakuha pa kasing magbiro sa gitna ng madramang sitwasyon ng kanilang amo.

Mayamaya pa ay lumaabas na nga si Haylle, sa silid ng kanyang ama, agad naman nilang nilapitan ito. Seryoso lang ang tingin ni Haylle, at sa kanyang ina tumingin muli, bago nagsalita. "Siya ba talaga si Papa, ang aking ama?" hindi pa rin makapaniwala si Haylle.

"Oo anak, siya si Hyulle ang iyong ama," sambit ni Polina na muli na namang napaiyak.

"Sige na mama, puntahan mo na si Papa, ayusan mo na siya at nang magbalik na sa dati ang kanyang itsura," sambit nito sa kanya. Kaya naman pumasok na siya sa silid. Nanginginig ang mga kamay niya, habang mahinang humuhikbing palapit sa kamang kinahihigaan ni Hyulle. Kung ilalarawan ng kanyang mga mata, kitang-kita niya ang matinding paghihirap ni Hyulle, sa loob ng ilang taong pagkawalay nito sa kanila. Mahahaba ang mga balahibo nito, sa mga kamay at paa. At ang mukha nito ay napapalibutan ng makapal na balbas at ang buhok nito ay napakahaba na animo'y balahibo ng wolf na hayop. Ang mga kilay ay humaba rin, nagmistulang isang halimaw na werewolf ang itsura ni Hyulle, at malaki ang kanyang pagkukulang dahil hindi niya agad ito nakilala.

"Hyulle, asawa ko, patawarin mo ako dahil hindi kita kaagad nakilala, hindi ko manlang napaghandaan na ganito ka babalik, na ganito na ang kinahinatnan mo, sorry." Ngunit nadama niya ang pag-angat ng isang kamay nito, at dumampi sa kanyang pisngi.

Napatingin siya sa hindi pa makapagsalitang si Hyulle, at walang pag-aalinglangan niyang hinalikan ito, at niyakap. Noon di'y nagyakap sila at naghalikan. Isang halikang puno ng pagmamalal.

Inayos ni Polina ang itsura ni Hyulle, nang oras ding iyon, ginupitan niya ito ng buhok, inahitan, at pinaliguan. Sa tagal ng pagkakakulong ni Hyulle sa isang k'weba sa under world, wala na itong nagawa kundi ang manghina, ngunit nagpapasalamat siya na kabalik pa ito ng buhay sa kanyang piling.

Mayamaya ay muling pumasok ang lahat sa silid, upang saksihan ang gagawing pagsasalin ni Haylle ng dugo kay Hyulle, nang sa ganon ay manauli kahit na paano ang lakas nito. Bagamat alam nilang magiging kumpleto ang lakas nito sa sandaling magsiping silang muli. At alam nilang magaganap iyon sa darating na pag-aasul ng dilaw na buwan.

Habang ginagawa iyon ni Haylle, naroon naman silang lahat na nakaagapay at nakahawak kay Haylle, upang hindi ito manghina sa pagsasalin ng dugo sa ama. Ilang oras lang at nagbalik ang lakas ni Hyulle, nagawa na nitong makarinig ng mga normal na salita, at makapagsalita. "Haylle, a-anak... p-patawarin mo ako, hindi ko sinasadyang masaktan ka," sambit ka agad ni Hyulle sa kanyang anak.

"Papa, wala iyon Papa!" at nayakap nga ni Haylle ang kanyang ama na matagal rin niyang kinapanabikang makasama.

"Magkakasama na tayong muli, salamat, at maayos na ang pakiramdam mo Hyulle," sambit ni Polina, at nayakap din ang kanyang mag-ama.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.