THE LAST WOLF PRINCESS

CHAPTER 9



Matapos nilang kumain ay nakita niyang tumayo na si Hyulle at marahang lumakad paakayat muli sa itaas. Alam niyang magkukulong na naman ito sa sarili nitong silid. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng hindi nauunawaan at nababasa ang laman ng isipan ng iba. Ganoon pala, at mas napatunayan niyang puno ng mga sorpresa ang mga mangyayari sa kanyang buhay.

Dati kasi ay nababagot na siya dahil alam na niya ang mga mangyayari, alam na niya ang mga iniisip ng mga taong nakakasalamuha niya, nababasa na niya ang mga susunod na mangyayari. Kaya wala na ang trill. Pero bagamat ganoon ay hindi siya natuwa sa ginawa sa kanya ni Hyulle kanina. Habang nagliligpit siya sa lamesa ng mga pinagkainan nila. Ay iyon ang tumatakbo sa isipan niya.

Nagprisinta na siyang siya na ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila, ngunit hindi naman pumayag si Manang Martha. Kilala nito ang amo nilang binata, kapag nagalit ito ay matindi. Kaya naman pinapagpahinga na siya ng mga ito. "Pero Manang nakahiya naman po sa inyo, nagtatrabaho rin po ako rito," saad niya sa matanda."Ay mabuti naman alam mo!" palatak naman ng isipan ni Ate May. Kaya naman napatingin siya sa kasamahang si May ay para itong walang anumang iniisip.

"A, Manang Martha, okay lang po talaga sa akin, k-kasi nakakahiya naman po kay Ate May," sagot niya sa matandang nagpapaalis na sa kanya.

"Ha! B-bakit naman, s-sige lang Polina, umalis kana, kami nang bahala diyan," nauutal na sabi nito, at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Nako, bakit Polina, sinasamaan ka ba ng tingin nitong si May?" natatawang sambit ni Aling Selya.

"Ha! H-hindi naman po, s-sige po aalisna ako, maaga pa po kasi ang pasok ko bukas." Sabay talikod na niya. Dahil ayaw niya ring makahalata ang mga ito sa kanya.

KINABUKASAN ay maaga siyang umalis para pumasok sa paaralan nila. Tiningnan niyang mabuti ang mga itsura ng kaibigan niyang si Shiera, alam niya kasing hindi maganda ang naganap sa kanila kahapon sa kanila ng amo niya. "Shiera, kumusta?"

Tumingin muna ito sa kanya, at pinawalan ang isang matamis na ngiti. "Kumusta naman, Polina, alam mo kasi kanina pa kita hinihintay," sambit nito sa kanya. Tumayo itong bigla sa kinauupuan at umangkla ang isang kamay sa kanyang braso. "T-teka lang, ano ba kasi iyon? Alam mo kasi Shiera, ayoko naman kasing sumali sa sinasabi mong contest," sabi pa niya.

"Bakit? Sayang naman, ikaw lang talaga ang pwedeng maging pambato namin," sambit pang muli ni Shiera.

"P-pero kasi---"

"Walang pero-pero, halika na kay Fillberth," sambit nito sabay hatak sa kanya. Napalakad naman siya at napasabay na lang sa kaibigan.

Habang naglalakad sila sa pasilyo papunta sa building ng mga senior ay naraanan nila ang isang class room kung saan naroon si Hyulle na nagtuturo rin, nakita niya itong nakatingin ng masama sa kanya dahil kasama niya si Shiera at hatak- hatak siya nito.

Iniiwas na lamang niya ang tingin at nagkunwaring hindi niya nakita. Matapos na makalampas sila sa class room nito ay saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag. "Hay, salamat naman at hindi niya kami sinundan," sambit niya sa kanyang isipan.

Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita bigla sa harapan nila si Hyulle.

"Ano bang ginagwa mo rito?" tanong ni Shiera sa kanya.

Napabuka siya ng bibig at hindi agad nakapag salita, hindi niya mapaniwalaang ganoon lang makipag-uusap si Shiera sa kanyang amo. Samantalang isa itong professor sa university, at si Shiera ay isa lamang studyante. "Huy! Ano ka ba Shiera, Professor siya rito, bakit ganyan ka lang makipag-usap sa kanya?" Tinatapik niya ang mga kamay nito na nakahawak sa braso niya.

"Polina, dapat ka nang umalis sa poder niya, kaya ka namang pag-aralin ni Fillberth, kaya niyang ibigay ang mga pangangailangan mo, umalis kana sa kanya," sambit ni Shiera. Isang bagay na lalong ipinagtataka niya. "A-ano?"

"Hindi niya pwedeng gawin ang bagay na iyan," sambit naman ni Hyulle sa kanyang kaibigan.

"At bakit? Hindi mo naman siya pag-aari, at alam kong may masama ka lang binabalak sa kanya!" sambit pang muli ni Shiera.

"Polina, halika na, dadalhin kita kay Fillberth!" hinawakan ni Shiera ang palapulusuhan niya at mabilis na sana silang tatakbo, ngunit nagulat na lamang siya nang bigla na lang ay nasa rooftop na sila ng building ng school nila at sakal-sakal na ni Hyulle si Shiera.

Doon nakita niyang lumalabas ang pangil sa bibig ni Shiera, at namumula ang mga mata nito, habang mahigpit na hawak ni Hyulle ang leeg nito.

"Hyulle! Bitiwan mo siya!" sigaw niya sa binatang malakas na nakahawak sa leeg ng kaibigan. Tumakbo siya upang pigilan ito. Nang hawakan niya ang mga kamay nito, nagulat siyang nakakapaso ang kamay nito. May napakalakas na enerhiya ang inilalabas nito, at mabilis siyang tumalsik sa malayo.

"P-Polina, tumakas ka na!" sigaw ni Shiera. Pilit nitong pinaalis na siya.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Shiera! Shiera!" tawag niya sa kaibigan. Tumayo siyang muli at sinubukang lumapit.

Ngunit isang malakas na kapangyarihan rin ang biglang dumating sa paligid, at hinawakan nito ang kamay ni Hyulle, sinubukan nitong pigilan ang kapangyarihang maaring makapatay kay Shiera. Ngunit nang hindi nito magawang pigilan si Hyulle ay siya naman ang pinuntitrya nito.

Tinangka siya nitong lapitan, ngunit mabilis pa sa isang kisap mata, ay nakaharang na si Hyulle sa kanya upang hindi siya mahawakan ni Fillberth.

"Alam kong ayaw mo siyang mahawakan nino man!" sambit nito.

"Fillberth, k-kunin mo na ang mahal na prinsesa," sambit ni Shiera.

"Sa ngayon, pabayaan muna natin sila, tayo na Shiera," sambit nito, at sa isang kisap mata lamang ay naglaho ang mga ito sa harapan nila. Naiwan sila, at siya naman ay natutulala.

Lalakad nang paalis si Hyulle, nang bigla siyang sumigaw. "Magpaliwanag ka naman sa akin!"

Napatigil lang ito, at nakatalikod sa kanya. Nakapamulsa at parang walang nangyaring anuman kanina lang. "Wala naman akong dapat ipaliwanag," sagot nito sa kanya.

"Anong wala? E hindi ko na nga alam kung anong nangyayari? Naguguluhan na ako!"

"Kailangan ko bang ipaliwanag sa iyo ang lahat?" sambit ni Hyulle na pagalit.

"Oo! Dahil hindi ko naririnig ang isipan mo, ang isipan ng mga normal na tao nakakaya kong marinig, pero ang sa 'yo hindi, pati na ang kina Shiera at Fillberth, iyon ay dahil hindi rin sila normal na tao," hiyaw pa niya sa binata. "Alam mo naman pala, ano pang dapat kong ipaliwanag sa iyo?"Original from NôvelDrama.Org.

"Iyong nangyari kagabi? Wala bang akong karapatang malaman kung bakit mo nagawa mo iyon? Kung anong ibig sabihin noon? Alam kong hindi ka tao, pero tao ako! Hindi mo ba pwedeng respituhin iyon?" Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay lumakad itong palayo sa kanya.

"Sige! Pero huwag mo nang asahan na babalik pa ako sa mansiyon," mahina niyang sagot sa isipan niya.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Napahinto ito at nilingon siya. Mabilis na lumakad at nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang papalapit na naman ito sa kanya. Bigla na lamang nitong hinawakan ang baba niya at mabilis siyang hinalikan. Nagulat siya at nanlaban. Ayaw niyang madama muli ang mga halik nito, lalo na at ayaw naman nitong ipaliwanag ang lahat sa kanya. Pero alam niyang naririnig ni Hyulle ang mga iniisip niya, at ayaw lamang nitong sagutin ang mga iyon.

"Anu ba! Aalis na 'ko sa poder mo, sapat na ang lahat ng mga naituro mo sa akin, sa palagay ko ay makakaya ko nang mabuhay mag-isa," sambit niya rito ng maitulak niya ito palayo sa kanya. "Hindi ako papayag," muling sambit nito.

"Wala kang magagawa! Hindi mo ako bihag at hindi mo ako pagmamay-ari!" mariin niyang sambit.

Lumakad siyang palayo sa lalaki, at marahang nakababa ng rooftop, nagulat na lang siya nang makita niyang wala ng mga tao sa paligid. Nagtataka siyang lumakad palabas ng kanilang paaralan.

Sa paglalakad niya palabas ng university, hindi niya akalaing makikita niya sina Fillberth. Medyo nagulat siya ngunit hindi niya ipinahalata. "Alam kong nagtataka ka, kung sino ako, at kung ano ang kaugnayan namin sa iyo," sambit pa nito. "Ano ngayon, wala akong iniisip na kahit na ano," sabi niya at wala sa sariling nilampasan si Fillberth.

"Sandali lang,"

"Wala akong alam, wala akong maunawaan! 'Yong kaibigan ko, hindi ko na rin kilala!" malakas ang tinig na sabi niya sa binata. Napahawak siya sa kanyang ulo, at naguguluhang tumakbo palayo. Hahabulin sana siya ni Fillberth, ngunit napigilan ito ni Hyulle. "Sabi ko layuan mo siya!" mariing sabi nito bagamat mahina lamang ang boses.

"Ikaw na naman!"

"Umalis ka na habang naaawa pa ako sa iyo!" wika pa ni Hyulle. Tumunog ang pager nito na nakatawag ng pansin sa binata.

"Pasalamat ka, kinakailangan ko nang umalis, pero hindi kami titigil hanggat hindi namin nababawi ang Prinsesa!" mariing sambit nito at naglahong parang bula sa harapan ni Hyulle.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.