Her Name Is Monique

CHAPTER 25: Jealous?



(Patty)

Naririto ako sa bahay at nag-aayos na upang pumasok sa school. Ano man ang narinig ko sa hospital kahapon isasantabi ko na muna. Gusto kong sila mommy at daddy ang magsabi sa akin ng lahat ng mga katanungan na nasa isip ko ngayon.

Nakangiting pumasok ako sa gate ng makita si Lina katabi si.... kuya Renz? Nakangiti ang mga itong nag-uusap. Naroroon ang mga ito sa tapat ng fountain sa gitna, naka-upo. Hindi nila ako napapansin dahil nakatagilid ang mga ito sa gate kung saan ako naroroon.

Aba teka! Close na sila ngayon? Kinilig ako para kay Lina.

Nagmadali akong naglakad upang lapitan ang mga ito ngunit nagtatakang napahinto rin hindi pa man ako nakakailang hakbang. Maging si Prince lumapit kela Lina at kuya Renz, nakangiti nitong ginulo ang buhok ni Lina. "Kailan pa sila naging close ni Lina?"

Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Naroroon lang ako at pinagmamasdan silang tatlo. Hindi naman ako galit or ano, nagtataka lang ako. Bigla kasing naging close si Lina kela Prince at kuya Renz na noo'y halos magkailangan pa sila.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Bakit may mumunting kirot akong nararamdaman doon habang pinagmamasdan si Prince na masayang kausap si Lina?

Nagseselos ba ako? Ipinilig ko ang aking ulo. Mali ito, dapat hindi ako ganito mag-isip. Lina is my friend at walang namamagitan sa amin ni Prince, wala akong karapatan na makaramdam ng ganito kahit na may gusto ako kay Prince. Ngumiti ako at masayang nilapitan ang mga ito.

"Good morning sa inyo." bati ko sa mga ito.

Lumingon naman ang mga ito sa akin.

"Good morning din Patty."

"Hi Patty, good morning."

"Good morning Patty."

Balik na bati naman ng mga ito sa akin, tapos bumalik muli sa pag-uusap nilang tatlo, samantalang ako ito nakatayo sa tabi nila, para akong dumaan lang sa harapan nila at matapos ay parang nakalimutan na nilang naroroon ako. Teka, bakit parang may nagbago? Nawala muli ang aking mga ngiti. Ako lang ba o talagang may nag iba?

May nagbago sa paraan ng makikitungo nila kuya Renz at Prince sa'kin. Imposible naman, dahil kahapon lang magkasama pa kami ni kuya Renz sa bahay nila. Si Prince maiintindihan ko pa dahil parang galit ito noong huli kaming mag-usap, about sa paglipat ko ng school o sa ibang dahilan hindi ko alam.

'Anong nangyayare?'

"Tara pasok na tayo." turan ni Prince.

"Hatid ka na namin Lina sa department mo." sabi naman ni kuya Renz.Property © of NôvelDrama.Org.

Matamis naman ngumiti si Lina sa mga ito at tumango.

Hindi ko na gusto ang nangyayare. Bakit parang hindi na nila naaalala na naririto pa ako. Parang na-dedma ako. Tiningnan ko lang silang tumayo at magkakasabay na naglakad patungo sa direction ng Arts building.

Malayo layo na ang mga ito ng lumingon si Prince.

"Patty, una ka na sa room natin. Ihahatid lang namin si Lina." anito at tumalikod na muli.

Lumingon rin si Lina at kuya Renz sa akin. Nakangiti lamang ang mga ito. Sabay sabay na muli ang mga itong naglakad at masasayang nagusap.

Pakiramdam ko naulit ang nangyare noong bata pa ako. Binubully ako sa ampunan at walang gustong lumapit sa'kin.

Nag-init ang mga mata ko. Kinagat ko ng marahan ang aking labi dahil pakiramdam ko nanginginig iyon. Naiiyak ako. Napahawak akong muli sa aking dibdib. Kumikirot iyon, masakit, sobrang sakit. Tumingala ako upang pahintuin ang tangkang pagtulo ng aking mga luha.

Kahapon lang okay pa kami pero bakit ngayon parang ibang tao na naman ako para sa kanila. Bakit pati si Lina parang nag-iba.

Huminga ako ng malalim at inalis ang mga mata sa kanilang tatlo na masayang nag-uusap. Pinilit kong patatagin ang mga tuhod ko at naglakad na papunta sa building ng architecture. Matamlay na pumasok ako roon. Masaya naman akong sinalubong nila kuya Niko, kuya Vince at ng iba pa, pero bakit sila kuya Renz at Prince nag-iba. Hindi ko talaga maintindihan.

May pakiramdam na may nakatitig sa'kin. Si kuya Lance, inilihis nito ang tingin ng makita na nakatingin ako sa kanya.

Minsan talaga ang wierd ni kuya Lance I mean madalas pala. Hindi ko siya ganoon ka-close ngunit masasabi kong mabait din siya.

Magkasabay na pumasok naman si kuya Renz at Prince sa room. Seryoso ang mga itong nag-uusap ngunit tumigil lang ng malapit na sa upuan ng mga ito, malapit sa'kin. Hindi ko maiwasan na titigan sila.

"Morning Patty." bati ni Prince at saka pi-nat ang ulo ko tapos umupo na sa upuan nito sa likuran ko.

"Bakit Patty?" tanong ni kuya Renz kasabay ng pag-upo nito. Hinaplos nito ang ulo ko na palagi nitong ginagawa.

"W-wala naman." tanggi ko kahit na ang dami kong gustong itanong sa kanila.

May second personality ba sila ni Prince? Kanina lang parang ang aloof nila sa'kin, yung tipong strangers ako sa kanila tapos ngayon balik ulit sila sa dati na pakiramdam ko special ako sa kanila. Naguguluhan ako sa kanila.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Gusto ko sana itanong paano silang tatlo naging close ni Lina kaso nahihiya naman ako.

Napagawi muli ang tingin ko kay kuya Lance mula sa kanan ko at nakatingin na naman siya. Kapareho no'ng una nilihis lang muli nito ang tingin sa iba at umayos ng upo. Napakunot noo ako. Bakit kaya?

"Patty, okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" biglang tanong ni kuya Renz kaya naman nawala kay kuya Lance ang atensiyon ko. "Hindi na ako nakadalaw o nakapagpakita man lang sa'yo after kita madala sa hospital, si mommy kasi hinimatay rin."

Nagulat ako sa sinabi nito. Ibig sabihin sila kuya Renz nga ang nagdala sa'kin sa hospital. "Kamusta naman si tita Kelly? Okay na ba siya?" nag-aalala kong tanong. Hindi ko man lang alam. Nakaramdam ako ng guilt.

"Okay na siya, huwag kang mag-alala. After niya magising umuwi na rin kami kaya hindi na kami nakapunta sa'yo. Pasensiya ka na."

"Okay lang kuya Renz, ang mahalaga okay na si tita Kelly. Ako nga ang dapat humingi ng pasensiya kasi doon pa ako sa bahay ninyo gumawa ng eksena. Sa susunod na lang siguro ako papasyal sa inyo, iyong wala akong gagawin na nakakahiya." napapakamot na turan ko. "Nakakahiya sa parents mo. Hindi ko man lang nakita si Sir Miguel." malungkot na turan ko.

"Okay lang Patty, marami pa namang next time. M-musta pala ang p-parents mo? Dumating din ba agad sa hospital?" tanong nito na iniwas ang tingin sa'kin at inabala ang sarili sa pagkalkal sa bag.

"Nagising ako hating gabi na kuya Renz, at binabantayan ako ni mommy at ngayong umaga nga nakalabas na rin ako."

"Mabuti naman pala." anito saka ngumiti sa'kin.

Napakunot noo ako dahil parang ang lungkot ng ngiti ni kuya Renz. Gusto ko pa sana siyang tanungin kaso dumating na ang prof. namin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.