Chapter 7
Aleighn's POV
"Why did you bring you're son in my house without my permission?!" galit niyang bulyaw sa akin ng makarating kami dito sa kusina
Nakayuko lang ako at hindi siya tinitignan, alam ko naman na magagalit siya, dahil masyado siyang maselan sa pagdating sa ibang mga bagayContent protected by Nôv/el(D)rama.Org.
"Pasensya na sir, wala kasing mag aalaga sakanya ngayong araw kaya ho sinama ko na" sagot ko habang naka tingin sakanya ng direkta sa mga mata niyang wala man lang emosyon "Prepare my lunch kakain ako sa may garden, and make it past!" utos niya saka nag martsa pa alis ng kusina
Agad ko naman na sinunod ang utos niya, naghanda ako ng makaka kain niya para sa tanghalian. Adobong manok nag naisip kong iluto dahil isa iyon sa alam kong madaling maluto. Nang matapos na akong magluto nilagay ko lahat ang kanin, ulam, juice at tubig sa isang tray at nagtungo na nga sa garden
Napansin ko ang anak kong tahimik lang na nakaupo habang tinitignan ang masungit kong amo habang naka ngiti
"Mama tulong kita?" tanong ng anak ko ng madaanan ko siya
"Kaya na ito ni Mama, seat down ka lang dyan okay" nakangiti kong sambit saka tuluyang nag tungo sa pwesto ni sir Craige na masama ang tingin sa akin
"Boss amo eto na po ang tanghalian ninyo" untag ko ng makalapit sakanya at mailapag ang pagkain
"What did you call me?!" kunot noong tanong niyan
"Boss amo" sagot ko
"Are you trying to annoy me Ali?!" inis na tanong niya pa rin as usual
Hindi na nagbago ang tawag niya sa akin na Ali, hindi ko nalang tinama pa ang pangalan na itinawag niya sa akin, baka ma beast mode pa lalo siya
"No sir, amo ko naman talaga kayo kaya iyon po ang tawag ko sayo" untag ko para mas sumimangot pa siya
Nang magsabog ata ang diyos ng sama ng loob naka tihaya etong tao na ito sa lupa, kaya sambot na sambot niya lahat dahilan para laging naka simangot
"May ipag uutos ka pa ba sir Craige?" tanong ko ng mapansin na mag uumpisa na siyang kumain
Pasalamat ako na kahit nuknukan ng sungit ang tao na ito ay, never siyang nag reklamo sa pagkain na inihahanda ko para sakanya
"Kung wala na sir papa kainin ko lang din po ang anak ko, kung ayos lang sainyo?" tanong ko
Lagpas na sa oras ang tanghalian ni Ravi at hindi ko namalayan iyon dahil sa pagta trabaho ko
"Go" maikli niyang sagot ng hindi naka tingin sa akin, kaya naman agad akong lumapit sa anak ko at kinuha ang isang bag na dala pa namin kanina kungbsaan naglalaman ng pagkain ni Ravi Ipinag balot kami ni Aling Choleng ng pananghalian kanina bago kami naghiwa hiwalay, sinabi kong huwag na at ako ng bahala sa pagkain namin pero ayaw niyang pumayag kaya naman tinanggap ko na Sobrang suwerte ko lang sa taong gaya ni aling Choleng, dahil hindi niya ako pinababayaan, lalo na ang anak kong si Ravi at handang handanpa siyang tumulong ng walang kapalit na hinihingi "Nak sorry late na ang kain mo, na busy kasi ang Mama" untag ko sa anak ko ng makalapit sa mesa niya kung saan ilang hakbang lang ang pagitan kay sir Craige
"Okay lang po, pinakain mo naman ako kanina Mama" sagot ng anak ko
"Hindi ba naiinip ang anak ko dito?" tanong ko sakanya sabay lapag ng pagkain sa harapan
"Hindi po pero parang sad dito Mama, kasi hindi po nag smile ang boss mo" naka nguso niyang sambit habang sa pwesto ni sir Craige naka baling ang tingin
Hindi ko akalain na may ganoong obserbasyon ang anak ko sa bahay na ito, kaya naman ng marinig ko ang sinabi niya agad kong nilingon si sir Craige na masama ang tingin sa gawi namin
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
May pag aalinlangan akong ngumiti sakanya bago bumaling ulit sa anak ko
"Hindi anak masaya naman dito, kaya lang wala kasi masyadong tao kaya parang sad" sambit
"Pero bakit parang masungit si boss Mama?" dagdag na tanong pa ng anak ko
Eto ang mahirap sa bata, sa totoo lang lalo na sa anak ko, hanggat may maitatanong ay itatanong niya, minsan ay nauubusan na ako ng maisasagot kaya ako nalang ang hihinto.
Kapag napansin niyang hindi na ako sumagot sa huling tanong niya, natahimik na siya saka ibabaling ang atensyon sa iba, na siyang ginawa naman niya ngayon
Pansin ko rin kasi ang masamang tingin sa amin ni sir Craige kaya sinikap kong maiba ang sinasabi ng anak ko
Tahimik lang siyang kumain hanggang sa natapos siya, alam kasi ng anak ko kapag oras ng kain dapat ay hindi daldal ng daldal. Nang matapos matapos siya niligpit ko ang pinag kainan niya saka ibinalik ang mg lunch box sa bag "Mama hindi ka po kumain?" tanong ni Ravi pag tapos uminom ng tubig
"Busog pa si Mama, halika na punasan ko yung likod mo" sambit ko sabay kuha ng pamunas para sakanya
Napansin ko namang tapos na kumain si sir Craige pero abala pa sa pag gamit ng telepono, kaya hindi ko muna nilapitan
Pinalitan ko muna ng damit si Ravi saka nilagyan ng pulbos ang katawan para maging presko ang pakiramdam niya
"Nomnom time na pala anak" sabi ko matapos kong ayusin ang buhok niya
Nomnom ang tawag namin mag ina sa mga gamot niya, si Ravi ang naka isip noon para naman daw hindi nakaka sawa na gamot ang laging naririnig niya
Nakaka tuwa rin ang anak ko dahil sa bata niyang edad nagagawa niyang maging matatag, lalo na para sa sarili niya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Agad naman niyang ininom ang gamot na inabot ko na nakalagay sa medicine cup niya
"What was that for?!" tanong ni sir Craige na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala "Gamot po sir" sagot ko naman
"Hello po" bati sakanya ni Ravi na may kasama pang pag kaway, pero hindi niya pinansin "Pakiligpit ng kinainan ko!" sabi niya sabay talikod sa amin
Iniwan ko si Ravi niya sa pwesto niya saka ulit ako nagpa tuloy sa mga trabaho ko
Natapos ko ang mga trabaho ko ng hindi na namalayan ang orad, nag aalala ako sa anak ko dahil baka nakatulog na sa upuan, kaya naman dali dali akong nag punta sa kuwarto ni sir Craige para magpa alam ng umuwi tutal ay oras na din naman ng pag uwi ko
Akmang kakatok ako sa pintuan ng kuwarto niya ng bigla siyang lumabas
Sinamaan niya lang ako ng tingin ng mamataan akong nakatayo sa harapan niya
"Uuwi na po kami sir, gusto ko lang mag thank you dahil hindi ka nagalit na nadito ang anak ko" nakangiti kong sambit
"You're a single mother of a sick child what a life, go home and leave my house now!" pasigaw niya sabi habang naka pamulsa pa
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin pa, pagod ako sa kaka linis halos araw araw ng bahay niyang boring kaya wala akong panahon na patulan ang masangsang niyang ugali
Basta ko lang siya tinalikuran ng walang sinasabi kahit ano, walang sino man ang pwedeng mag kuwestiyon sa pagkakaroon ko ng anak na may sakit lalo't kungbwala namang ambag sa buhay ko at sa anak ko Anong klaseng tao kaya siya at hindi niya na iisip na panget ang mga lumalabas na salita mula sa bibig niya