Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 52



Kabanata 52

Namutla ang mukha ni Madeline. Napakadumi at gusgusin nga niya para sa kanyang puso.

"Jeremy, rumespeto ka naman sa mga sinasabi mo!* Hinila ni Daniel si Madeline papunta sa kanyang

likuran at biglang naging malagim ang hangin sa pagitan nilang lahat.

Mababang tumawa si Jeremy. "Respeto? Nakikipaglandian ka sa isang babaeng may asawa na in

public tapos sinasabihan mo pa ako na rumespeto?"

Gumagamit siya ng matalim na salita, pinapakita nito na wala na siyang pakialam sa nararamdaman ni

Madeline.

"Kailan mo ba trinato si Maddie bilang asawa? At saka, hindi mo na siya asawa ngayon!" Hindi

natatakot si Daniel kay Jeremy. Harap-harapan niya itong tinatapatan.

Nababalot ng malamig na ere ang mukha ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline nang mag

nakakapangilabot na titig sa kanyang mga mata. "Ganito ka ba magseduce ng lalaki sa labas?"

Kinilabutan si Madeline. Hindi niya maintindihan ang inis sa mga mata ni Jeremy.

Iniangat niya ang kanyang kamay at hinila si Madeline sa kanyang tabi. Sinilip ng kanyang mga

aroganteng mata si Daniel. "Siya pa rin ang aking asawa sa mata ng batas, at kahit na magsawa ako

sa kanya balang araw, hindi kita hahayaang makuha ang mga bagay na pinagsawaan ko na."

Pinahiya niya si Madeline gamit ng mga pinakamasasakit na salitang kanyang maisip, at pagkatapos

niya itong sabihin ay baralbal niyang tinulak si Madeline papasok sa kanyang kotse.

Tumakbo si Daniel para pigilan siya nang makita niya ito, pero nang makita niya si Madeline na

pinipigilan siya gamit ng kanyang mga mata ay napatayo na lang siya.

At saka, nanatili sa kanyang isipan ang sinabi ni Jeremy ngayon-ngayon lang. Kasal pa rin sila...

Hindi alam ni Madeline kung saan siya dadalhin ni Jeremy. Napakabilis niyang magmaneho na

nakakaramdam siya ng pagkahilo at pagkasuka.

Naalala niya ang tungkol sa pagbababala ng lalaking ito sa kanya at bigla siyang napahalakhak

habang tinititigan ang lalaking nagmamaneho. "Tinatalikuran mo ang mga salita mo, Mr. Whitman. Ang

sabi mo ay hindi nararapat na makasakay sa kotse mo ang isang babaeng katulad ko. Bakit hindi ka

natatakot na madumihan ko 'to ngayon? Madumi ako, nakalimutan mo na ba?"

Pagkasabi niya nito, napakadilim ng mukha ni Jeremy. Wala siyang sinabi na kahit na ano, pero

nararamdaman ni Madeline na mas bumibilis pa ang kotse na kanilang sinasakyan.

Mas lumala ang kanyang pagkahilo. Hindi na ito makayanan ni Madeline. "Jeremy, huminto ka. Saan

mo ko dadalhin?"

"Gusto mo na ba talagang lumabas at hanapin si Daniel?" Malamig ang kanyang tono.

Nakaramdam ng inis si Madeline. "Eh ano ngayon? Tapos na tayo!"

"Heh." Bahagyang tumawa si Jeremy na para bang nagsabi siya ng isang biro. "Madeline, sa tingin mo

ba ay kaya mong simulan at tapusin ang kasal mo sa'kin kahit na kailan mo gusto?"

Malamig siyang tinitigan nito na nagpalukso sa kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang kanyang

sinasabi.

Ngunit, mayroon siyang isang bahay na naiintindihan, at iyon ay ang katotohanan na magpapakasal na

si Jeremy kay Meredith. Kung ganoon, matatapos na rin ang kanilang lokohan.

Sa wakas ay huminto na rin ang kotse at nakita ni Madeline ang isang sosyal na beauty salon.

Tinulak ni Jeremy si Madeline sa isang tao roon at sinabihan sila na pagmukhain siyang disente.

Hindi alam ni Madeline kung ano ang gustong gawin ni Jeremy pero ayaw niyang sumunod sa kanya.

"Kung ayaw mong madamay ang mga tao sa paligid mo, gawin mo na lang ang sinasabi ko."

Pagbabanta niya.

Ang mga tao sa paligid niya…

Si Ava lang ang naiisip ko Madeline.

Patay na ang kanyang lolo at hindi na niya ito mababantaan pa.

Si Ava lang ang kaibigan na kanyang inaalala.

Isang oras ang nakalipas, natapos na ang pag-aayos kay Madeline.

Nakasuot siya ng isang gown na kulay champagne na nagpakita sa hubog ng kanyang katawan. Ang

kanyang maikling buhok ay lalong nagpahinhin at nagpaliit sa kanyang mukha. Napakasosyal niyang Content is property © NôvelDrama.Org.

tignan.

Nang makita ni Jeremy si Madeline ay nagliwanag ang kanyang mga mata, pero kaagad rin itong

nawala.

Hindi inaasahan ni Madeline na dadalhin siya ni Jeremy sa Whitman Manor.

Nang makalabas sila sa kotse, hinawakan ng kanyang mainit na kamay ang baywang ni Madeline. Ang

kanyang palad ay nakalapat sa kanyang balat.

Taglagas ngayon at malamig ang hangin. Subalit, pakiramdam ni Madeline ay nagbabaga sa init ang

palad ni Jeremy.

"Gusto kang makita ni Grandpa."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.